Ploning



Noong Abril 30 ipapalabas ang isang pelikula ayon sa mga kritiko na isa sa mga pelikula na pang Oscars ito ay ang pelikulang ”PLONING”. Isang Indie Film na prinoduce ni Ms. Judy Anne Santos. Ipinapakita dito ang buhay ng mga kababaihan noon sa Cuyunon isang lugar dito sa Pilipinas at ang kanilang pananaw tungkol sa pag-ibig. Ipinapakita ang magagandang kaugalian sa cuyunon at mga tradisyon nila na mahahalaga at importante sa buhay ng tao. Tulad ng fiesta sa bayan ng Cuyunon at Esposada.

Kahit mabagal ang takbo ng kuwento at madaming simbolismo ay mahirap itong hindi pansinin. Marahil ay mapapaisip ka sa mga nais iparating ng director sa kanyang mga manunuod. Ang kuwento ng Ploning ay umiikot sa babaeng nagngangalang Ploning (judy Anne Santos) at si Dido na kanyang tinataguring anak. Ang kuwento ay umiikot sa paghahanap, paghahanap ni Dido kay Ploning, ni Ploning kay Tomas, ni Celeste kay Tomas and nila kay Dido. Marahil ang kuwento ay pinapalabas modernong panahon, hinaluan ito ng nakaraan din, sapagkat halos Flashbacks ang ipinapakita ni Dido dito. Ito ang ginamit na paraan ng direktor, ang paggamit ng Flashbacks para ipakita ang mga nangyari na nagdulot ng mga kasalukuyang nangyayari.

Hindi maitatago ang husay ng mga napagsi-ganap sa pelikula. Kitang-kita ang husay sa pagbato ng mga linya, at lalo’t na hindi sila mga taga cuyo. Ang husay sa pagbato ng kani-kanilang mga linya ay kitang-kita sa kanilang pagbigkas ng lenguahe an tila sanay na sanay sa pagsasalita nito. Maganda ang pagganap nila sa mga karakter nila.

Ang Ploning may napakagandang tagpuan, ito ay sa isla ng Cuyunon kung saan ay tila isang paradiso. Madaling isipin na may mga tradisyon at na tila probinsiya pa in ang lugar na ito. Maganda ang nais iparating na mensahe ng pelikula at ito ay ang noong panahon na iyon ang mga magkasintahan ay tapat sa isa’t isa at kahit malayo ay tila magkalapit. Ayon nga sa sinabi ni Ploning ”Ang nagmamahal ay nagtitiwala”.

Ang pelikula ay iba sa mga ibang pelikulang nagawa ng mga pinoy. Magagaling ang mga npagsiganap, ang ganda ng lugar at maganda din ang kuwento at direksyon.

Ang kanta bagay sa pelikula, sapagkat sa Cuyunon ang Ploning ay kanta ng isang babae din, malinaw na iikot ang kuwento kay Ploning bilang bidang babae dito. May mga mahahalagang bagay na ibinigay kaagad sa pelikula tulad ng hindi tunay na anak ni Ploning si Dido kundi nanay-nanayan lamang. At meron din mga importanteng bagay na dapat mo munang tapusin ang kuwento bago mong malaman. Nakakatulong ang pambungad na eksena, aantayin mo ang mga palaiwanag sa iyong nakita. Aantayin mo talaga hangga’t hindi pa tapos ang pelikula. Medyo may nagkaroon ng mga Camera tricks sa pelikula, lalo’t na pag magfa-flashbacks, ang takbo ng kuwento ay mabagal, mahirap intindihin ang ilang mga aspeto sa pelikula ngunit pag nagfokus ka malalaman mo ito.

Maganda ang pelikula na ito at maganda para sa industriya ng pelikula sapagkat sa pelikulang ito kaya nitong patunayan na maaaring makagawa ng magagandang pelikula ang mga Pinoy. Ang pelikulang ito ay pang lahatang. Kung bibigyan ng rating ito ay 9 sa 10 puntos. Napakaganda at husay ng pelikula, ng mga napagsi-ganap at ng kuwento nito. Ito ay dapat panuorin ng mga Pilipino sapagkat isa itong pelikula na maipagmamalaki ng ating bayan.

KABUGAN



Tesis: Hindi naging maganda ang palabas ng Teatro Tomasino sa isang dula pinamagatang “KABUGAN”


Sinopsis:

Ang “KABUGAN” ay isang dulaan ng opisyal na teatro ng Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan ay may dalawang palabas sa loob ng isang dula. Ang unang Dula ay pinamagatan “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon minsan sa Isang Taon” ni RJ Leyran sa direksyon ni John Paul Gonzales, at ang isa naman ay ”Anino” ni Halad Urbano sa direksyon ni Avengel Joseph Federis.

Ang unang dula ay tungkol sa isang babae at lalake na nagkakilala sa isang parke, at doon nagkikita bawat araw. Umiikot ang kwento sa kanilang dalawa, na nagaasaran, nagkukuwento at naglalambingan. Sa dulo ng dula ay mamamatay ang dalawa sapagkat babarilin ang mga ito ng selosang asawa ng lalaki. Ang ikalawang dula ay maguumpisa sa isang prosesyon ng mga santo, kung saan ang tagpuan ay sa isang bahay kubo sa probinsiya. Dito may isang babae na papasok at magdadasal, may dadating na isang lalaki rin na kanyang anak sapagkat ama nito ay asawa niya, at kalaguyo rin siya ng lalaking ito. Umiikot ang kuwento sa kanilang dalawa at sa kataksilan ng dalawa sa ama ng lalaki kung saan ay sa dulo ay magtatalik sila at papatayin ng babae ang lalaki. Dito na magtatapos ang ikalawang dula.


Critik:

Hindi naging kaaya-aya sa awdyens ang naging palabas ng teatro sapagkat madami ang naging mali at kulang sa palabas. Maganda man ang mga props at pag-arte ng mga nagsipag-ganap ay hindi maiiwasang ikumpara ang istorya ng ”KABUGAN” sa mga dating mga palabas nito. Masyadong naging mababaw ang kuwento ng ”KABUGAN” , maaring hindi bumenta ang mga linya nito sa awdyens. Marahil ay masayadong pambata ang naging plot ng istorya.

Katulad ng sa unang dula, magulo ang naging pagganap sa karakter ng lalake, hindi malaman kung totoo ba sinasabi niya o kasinungalingan. Ngunit iyon man ay ang dapat maging sangkap sa isang magandang istorya, ang sangkap na mapapaisip ang awdyens, mas naging mababaw ang kuwento. Ang mga kuwentong sinasabi ng lalaki ay mukhang hindi kapani-paniwala. Lalo’t ang mga linyang binibitawan, maaring sabihin na kulang sa realidad at imahinasyon ang mga linya at kuwento.

Sa pagtapos ng unang dula, ay makikita natin na sabik ang awdyens sa ikalawang dula sapagkat umaasa na patikim pa lamang ang ordinaryong dula na nasaksihan. Maganda ang naging pasok ng ikalawang dula. Nakuha ang emosyon ng mga awdyens, ngunit habang tumagal ay unti-unting nawala ang emosyon at tuluyan ng nawalan ng gana ang awdyens. Marahil ay maganda nga ang ibang aspeto, nakulangan pa din sila na painumin ang nauuhaw na kasabikan ng awdyens sa isang magandang palabas. Hangad ng awdyens ay isang magandang at kuwentong naiiba na hindi pa nakikita o napapanuod. Sa pag-arte naman ay maganda ang kinalabasan at totoong mapapahanga ka. Minsan ay nadadala ng istorya ang kahusayan ng isang aktor ngunit nagiging ordinaryong tao lamang ang gumaganap kung mababaw ang kwento. Sana ay sa mga susunod na palabas ay maisip at matama ang mga aspeto na hindi nailagay sa palabas upang muling mahuli ang atensyon at imahinasyon ng awdyens.


Rating

Sa aming napanuod, ay masasabi ko na 5 sa 10 puntos lamang ang aking maibibigay. Sapagkat, hindi ko nagustuhan ang palabas, para sa akin na naghahanap ng makabagong imbensyon sa teatro. Madami ang may mataas na ekspektasyon sa teatro, at hangad namin na makita muli ang isang pagbangon sa mga susunod na palabas nito.


Pocket Book




Jewel, Black Diamond
Ni Martha Cecilia


I. Sinopsis

Nakarinig ng padating na sasakyan si Julia, agad-agad niyang itinigil ang pagdidilig ng mga halaman at pinatay ang gripo. Pinagulong ang kanyang wheelchair upang salubungin ang padating na bisita, si Jewel.

Si Jewel ay dating kasintahan ni Bernard na apo ni Don Fortelejo isa sa pinakamayang angkan doon sa Pasa de Blas. Si Tiya Julia at Jewel ay sadyang malapit sa isa’t isa at labis ng ikinatuwa ng matanda ang pagdalo ng dalaga. Hinanap ni Jewel si Bernard dahil may pakay siya dito, at iyon ay upang makausap ang binata. Hindi niya lubusang maisip bakit siya iniiwasan nito ng wala man lamang maibigay na magandang dahilan. Nang sabihin ni Tiya Julia kung saan naroon si Bernard ay kaagad-agad naming pinuntahan ni Jewel ito, sa Koral.
Natuwa ang matanda at tinawag si Jewel, alam niyang may bumabagabag sa dalaga at nais niyang makalimutan ni Jewel ang sakit kaya’t niyaya sa may piano si Jewel upang tugtugan siya nito. At dito sa pagtugtog ni Jewel ay nagpasya siyang kalimutan si Bernard.
Nakapagpasya si Jewel na magaral sa ibang bansa, at aalis din siya kaagad patungong States dahil sa unang una ay nais niyang magmasters sa management at para makalimutan si Bernard ng sa magpapakasal na ito sa isang Montejo. Sumakay na helicopter na magdadala sa dalaga sa Maynila kung saan siya sasakay patungo ng States. Dinaan ng tingin ang buong Paso de Blas, hindi niya alam kung kailan niya ito makikita muli kaya’t tinagalan niya ang pagalala ng bawat sulok nito at pagkatapos ay isinara ang pinto ng sasakyang helikopter. Narinig ni Bernard na ito ang araw na aalis si Jewel, habang nakatanaw sa langit ay nakita niya ang helikopter ng mga Fortelejo alam niyang nakasakay si Jewel dito, at sumakit ang dibdib niayng isipin na tuluyang lumayo ang kanyang Black Diamond.

Makalipas ng tatlong taon, bumalik sa Pilipinas si Jewel sapagkat siya na ang magpapatakbo ng resort ng kanyang lolo, dahil sa atake nito sa puso ay minabuti ng Don na umuwi sa Pilipinas ang dalaga. Sinundo ito ng kanyang kapatid na si Emerald at ang bayaw nito.
Kinabukasan ay dumalaw si Jewel sa kanyang lolo sa Mansyon ng papasok na siya ng opisina nito ay may narinig siyang paguusap sa pagitan ng kanyang lolo at bayaw.
Natakot si Jewel at baka ay pilitin ulit ng matanda na iwan ulit siya ni Bernard. Ngunit pinayagan din ni Jewel na magusap sila. Dito sinabi ng matanda kay Bernard na hindi maaaring magpakasal ang dalawa dahil isang Fortelejo si Bernard at siya ang kanyang ama! Laking gulat ng marinig ni Bernard ni si Don Fortelejo ay kanyang ama! Papaano na sila ni Jewel at si Jewel sin ay isang Fortelejo wari ba’y pamangkin niya si Jewel ng sag anon. sinabi ng matanda na kailan man ay ayaw nitong sabihin kay Bernard harap-harapan dahil habang-buhay kamumuhian ni Bernard ang matanda. Hindi napigilan ni Bernard na magalit sa matanda, dahil dito ay bumigay ang puso ng matanda at dinala nila ito sa ospital. Hindi na nakatagal ang matanda pagkatapos ng mga ilang bilin ay tuluyan na itong nawala. Pagkatapos ng libing ay hindi na nakita ni Jewel si Bernard. Nagtataka ito at bakit biglang lumayo nanaman ito, dahil ba sinisisi ng binata ang kanyang sarili sa nangyari sa matanda, hindi niya iyon alam. Kinabukasan ay sinabi ni Bernard sa dalaga na hindi si maaring magpatuloy ang kanilang relasyon. Sobrang nasaktan ang dalaga at hindi alam ang kanyang gagawin nagkulong ito sa kuwarto at lumabas lamang nung babasahin ang huling testamento ng kanyang lolo. Nahati ang mga ari-arian. Ng mabasa ng mga ito ang testamento ay nagulat ang lahat dahil nakasaad doon ay ang magmamana ng mansyon at ang 40porsyento ng mga lupain ay ang anak ng Don na si Bernard Fortelejo. Dito nagulat si Jewel at ito pala ang rason kung bakit ayaw ng makipagkita ni Bernard sa kanya. Kaagad niya itong pinuntahan, at sinabi na ampon lamang siya at hindi tunay na apo ngunit hindi iyon alam ng kanyang lolo. Laking tuwa ng binata ng kanyang malaman ito at sila ay namuhay ng tahimik at maligaya.

II. Pagsusuri

Moderno ang paraan ng pagsusulat ng awtor sa dahilan bumabanggit ito ng mga bagay na kuanlaranin, tulad ng paggamit ng wikang ingles sa mga dayalogo ng mga karakter sa istorya. Simple lamang an gang pananlita ng may aksa sa kanyang istorya at ang kanyang himig ay may mga punto na mabagal at minsan naman ay dumadaloy ang mga pangyayari ito ang dalawang himig sa kanyang munting istorya.

Gamit ng awtor sa kanyang naisulat ay tatlong lenguwahe una ay ang salitang Filipino na nagbubuo sa buong akda halos, pangalawa ang wikang Ingles na minsan ay gamit upang magbigay diin at laman ang mga emosyon at nais iparating ng mga karakter sa kanilang mga dayalogo at ang pangatlo ay ang wikang Espanyol na ginamit upang ipakita sa mga tagabasa ng akda ang nasyonalidad at lagay ng isang karakter at maaari minsan ang ugali nito sa akda. Ang diksyon ay kadalasan detonasyon, at miminsan ay konotasyon kapag sa mainit na eksena subalit sa isang pangungusap ay madaming nais iparating ng may awtor na hindi magmumukhang x-rated. Ang sintaks naman ay maayos sa isang pangungusap ay kung ito ay nasa Ingles tinatapos ito ng Ingles at kapag Filipino ay ganon din ang ginagawa. Ngunit minsan ay pinaghalo ang Filipino at Espanyol sa iisang pangungusap. Ang ritmo ng mga pananalita sa akda ay madalas na ginagamit lalo’t kapag nais ng awtor na magbigay diin sa mga damdamin ng mga karakter kapag nagugulat, nasasaktan o kaya’t kapag labis ito’y nagagalit. Ang dayalogo ay minsan sa Ingles ngunit kadalasan sa wikang Filipino. Minsan ay nagpapalit ang dalawang karakter sa akda sa pagitan ng dalawang lenguwahe. Ang paraan ng kanyang pagsulat ay halata na sa umpisa pa lamang na impormal ito subalit may mga katangian na ito na magpapahiwatig na impormal ito. Ang paraan ng pagsulat paggamit ng mga salitang bulgar. Iyon ang mga pagpapahiwatig ng pagiging impormal ng akda.

Marami ring ginamit na mga paraan ng pagbigay diin tulad ng metapora halimbawa sa akda ay “ang mga mata niya ay tila mga itim na diyamante” at mga simile tulad ng “siya ay may katawan na tulad ng isang stallion” at alusyon na sa akda ay nagbigay deskripsyon sa karakter na si Jewel at iba pang mga tayutay.


III. Kongklusyon / Rekomendasyon

Naisulat ng maayos ng may akda ang kanyang libro subalit para sa akin bilang isang estudyante at para sa mga kamag-aral ko ay masasabi ko na hindi ko nirerekomenda ang mga ganitong babasahin. Unang-una ay dahil may mga bagay sa akda na hindi maganda para sa imaginasyon ng mga bata, maaari puwedeng basahin ito ng mga may malawak ng pagunawa sa mga ganitong bagay ngunit para sa mga nais lamang magbasa upang aliwin ang sarili ang akda na ito. Iyon ang palagay. Subalit kung aking bibigyan ng rating ang akda bibigyan ko ito ng 5 stars out of 5. Ito ay dahil maganda ang kanyang pagkasunud-sunod sa mga pangyayayring naganap sa storya, at totoo namang nakakaaliw ang mga eksena.

Ang masasabi ko sa akda ay kapreho niya ang mga telenobela, halos kasing pareho niya ang mga sunud-sunod na mga dapat managyari, isang tipikal na istorya, ngunit maganda naman ang pagkakasulat niya nito, lahat ng butas sa istorya ay kanyang nakita at ginawan ng paraan kaya’t bilang mambabasa ay hindi ako nalito o kaya nawalan ng motibong basahin ito dahl maganda ang ginawa niyang pambibitin sa bawat chapter. Pero pagdating sa mga dapat magbasa nito ay limitado lamang ito dahil ang mga laman ay pang mga matanda dahil sa mga maiinit na eksena sa pagitan ng mga karakter, at dahil na rin din ay impormal ito maaaring masanay ang mga mambabasa na magsulat tulad nito na hindi pupuwede sa mga akademikong sulatin. Dapat marapatin ng awtor na magsulat ng mga klasikal na akda upang makipagsabayan sa mga akdang international mahusay ang awtor at sadyang may imahinasyon na kung tutuusin ay maraming magagandang akda ang kanyang maibabahagi sa atin.


Rating:
10 Puntos sa 10 puntos dahil maganda ang akda: bilang akda na pangaliw
1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

7 puntos sa 10 puntos dahil ang mga salitang gamit ay hindi akma sa pangakademikong sulatin

1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

Blog title




"KALIBUGAN...teka basahin muna"


Marahil ay madami ng imahe at ideya ang pumasok sa kaisipan ng mga nakapagbasa ng panagalan pa lang ng blog na ito. Ngunit kung iniisip niyo na ito ay isang malisyosong artikulo, magisip kayo muli, sapagkat malayo ito sa inyong inaakala. Kung ating hahanapin ang tunay na ibig sabihin ng salitang kalibugan ay hango ito sa pangalan ng isang tribo ng mga magsasaka na matatagpuan sa Zamboanga. Kung kayo ay nagdadalawang isip sa sinasabi ko ay malaya kayong hanapin ito sa net. Ang kalibugan din ay tawag sa paraan ng pagsasaka, marahil ay hango rin ito sa pangalan ng tribo, na nabanggit kanina lamang, dahil nga magsasaka ang mga ito.


Sa pagdaan ng panahon, unti-unti naiiba ang mga ibig sabihin ng mga salita. Ang dating malinis at walang kakonotasyon na salitang kalibugan ay binigyan ng iba't ibang kulay, mapaitim o asul at lalo na ang kulay BERDE. Bakit at paano ito nagkaroon ng ibang depinisyon, ito ay ating hindi malalaman. Sa ating panahon ang salitang kalibugan ay itinuturing isang salitang bulgar at impormal sapagkat mas kilala ito sa depinisyon na bastos. Ngunit kung ating hihimay-himayin ang tunay na pinagmulan ng salitang ito ay ating malalaman na mali ang ating inaakala sa salitang ito.