Blog title




"KALIBUGAN...teka basahin muna"


Marahil ay madami ng imahe at ideya ang pumasok sa kaisipan ng mga nakapagbasa ng panagalan pa lang ng blog na ito. Ngunit kung iniisip niyo na ito ay isang malisyosong artikulo, magisip kayo muli, sapagkat malayo ito sa inyong inaakala. Kung ating hahanapin ang tunay na ibig sabihin ng salitang kalibugan ay hango ito sa pangalan ng isang tribo ng mga magsasaka na matatagpuan sa Zamboanga. Kung kayo ay nagdadalawang isip sa sinasabi ko ay malaya kayong hanapin ito sa net. Ang kalibugan din ay tawag sa paraan ng pagsasaka, marahil ay hango rin ito sa pangalan ng tribo, na nabanggit kanina lamang, dahil nga magsasaka ang mga ito.


Sa pagdaan ng panahon, unti-unti naiiba ang mga ibig sabihin ng mga salita. Ang dating malinis at walang kakonotasyon na salitang kalibugan ay binigyan ng iba't ibang kulay, mapaitim o asul at lalo na ang kulay BERDE. Bakit at paano ito nagkaroon ng ibang depinisyon, ito ay ating hindi malalaman. Sa ating panahon ang salitang kalibugan ay itinuturing isang salitang bulgar at impormal sapagkat mas kilala ito sa depinisyon na bastos. Ngunit kung ating hihimay-himayin ang tunay na pinagmulan ng salitang ito ay ating malalaman na mali ang ating inaakala sa salitang ito.

1 comment:

  1. Higit sigurong maganda kung ilalagay mo sa unahan ang bahaging ito upang hindi magkaroon ng maling impresyon ang mambabasa sa uri ng iyong blog. Ayusin din ang lay-out. 92%

    ReplyDelete