
Tesis: Hindi naging maganda ang palabas ng Teatro Tomasino sa isang dula pinamagatang “KABUGAN”
Sinopsis:
Ang “KABUGAN” ay isang dulaan ng opisyal na teatro ng Unibersidad ng Santo Tomas na kung saan ay may dalawang palabas sa loob ng isang dula. Ang unang Dula ay pinamagatan “Kulay Rosas ang Dapit-Hapon minsan sa Isang Taon” ni RJ Leyran sa direksyon ni John Paul Gonzales, at ang isa naman ay ”Anino” ni Halad Urbano sa direksyon ni Avengel Joseph Federis.
Ang unang dula ay tungkol sa isang babae at lalake na nagkakilala sa isang parke, at doon nagkikita bawat araw. Umiikot ang kwento sa kanilang dalawa, na nagaasaran, nagkukuwento at naglalambingan. Sa dulo ng dula ay mamamatay ang dalawa sapagkat babarilin ang mga ito ng selosang asawa ng lalaki. Ang ikalawang dula ay maguumpisa sa isang prosesyon ng mga santo, kung saan ang tagpuan ay sa isang bahay kubo sa probinsiya. Dito may isang babae na papasok at magdadasal, may dadating na isang lalaki rin na kanyang anak sapagkat ama nito ay asawa niya, at kalaguyo rin siya ng lalaking ito. Umiikot ang kuwento sa kanilang dalawa at sa kataksilan ng dalawa sa ama ng lalaki kung saan ay sa dulo ay magtatalik sila at papatayin ng babae ang lalaki. Dito na magtatapos ang ikalawang dula.
Critik:
Hindi naging kaaya-aya sa awdyens ang naging palabas ng teatro sapagkat madami ang naging mali at kulang sa palabas. Maganda man ang mga props at pag-arte ng mga nagsipag-ganap ay hindi maiiwasang ikumpara ang istorya ng ”KABUGAN” sa mga dating mga palabas nito. Masyadong naging mababaw ang kuwento ng ”KABUGAN” , maaring hindi bumenta ang mga linya nito sa awdyens. Marahil ay masayadong pambata ang naging plot ng istorya.
Katulad ng sa unang dula, magulo ang naging pagganap sa karakter ng lalake, hindi malaman kung totoo ba sinasabi niya o kasinungalingan. Ngunit iyon man ay ang dapat maging sangkap sa isang magandang istorya, ang sangkap na mapapaisip ang awdyens, mas naging mababaw ang kuwento. Ang mga kuwentong sinasabi ng lalaki ay mukhang hindi kapani-paniwala. Lalo’t ang mga linyang binibitawan, maaring sabihin na kulang sa realidad at imahinasyon ang mga linya at kuwento.
Sa pagtapos ng unang dula, ay makikita natin na sabik ang awdyens sa ikalawang dula sapagkat umaasa na patikim pa lamang ang ordinaryong dula na nasaksihan. Maganda ang naging pasok ng ikalawang dula. Nakuha ang emosyon ng mga awdyens, ngunit habang tumagal ay unti-unting nawala ang emosyon at tuluyan ng nawalan ng gana ang awdyens. Marahil ay maganda nga ang ibang aspeto, nakulangan pa din sila na painumin ang nauuhaw na kasabikan ng awdyens sa isang magandang palabas. Hangad ng awdyens ay isang magandang at kuwentong naiiba na hindi pa nakikita o napapanuod. Sa pag-arte naman ay maganda ang kinalabasan at totoong mapapahanga ka. Minsan ay nadadala ng istorya ang kahusayan ng isang aktor ngunit nagiging ordinaryong tao lamang ang gumaganap kung mababaw ang kwento. Sana ay sa mga susunod na palabas ay maisip at matama ang mga aspeto na hindi nailagay sa palabas upang muling mahuli ang atensyon at imahinasyon ng awdyens.
Rating
Sa aming napanuod, ay masasabi ko na 5 sa 10 puntos lamang ang aking maibibigay. Sapagkat, hindi ko nagustuhan ang palabas, para sa akin na naghahanap ng makabagong imbensyon sa teatro. Madami ang may mataas na ekspektasyon sa teatro, at hangad namin na makita muli ang isang pagbangon sa mga susunod na palabas nito.
Mahusay kaya lamang ang maging maingat sa pagbaybay ng ilang salita. 93%
ReplyDelete